Pangilinan, humingi ng paumanhin sa 7 senador na binatikos dahil sa hindi pagpirma sa Senate Resolution 516

By Ruel Perez September 28, 2017 - 03:02 AM

Humingi ng paumanhin si Sen. Kiko Pangilinan dahil hindi niya napadaanan ng resolusyong kumukundena sa pagpatay sa mga kabataan ang pitong senador na binabatikos ngayon sa social media.

Itinanggi ni Pangilinan na sinadya nila na papirmahin ang ibang senador sa Senate Resolution 516 at nag-sorry kung ang naging dating sa mga kapwa niya senador ay sadya niyang hindi pinapirma ang mga ito.

Depensa ni Pangilinan, “stressed” na siya sa mga panahong iyon at totoong nakalimutan lang niya talagang idaan sa pitong senador ang nasabing resolusyon.

Naging sentro ng kritisimo ang 7 senador na sina Senators Tito Sotto, Cynthia Villar, Manny Pacquiao, Richard Gordon, Koko Pimentel, Sen Migz Zubiri, at Sen Gringo Honasan na tinawag ng blog ng #SilentNoMorePH na mga “lapdogs” ng Duterte administration.

Pagdidiin pa ni Sen Pangilinan, suportado nila sa minorya ang anumang gagawing imbestigasyon hinggil sa nabanggit na blog o artikulo na bumabatikos sa 7 mga senador.

Giit ni Pangilinan, wala umano silang kontrol sa pagpublish ng blog na tinawag na mga lapdog ng administrasyon ang 7 senador na hindi pumirma sa resolusyon

Naging mainit ang diskusyon sa session hall matapos na tumayo si Sen. Tito Sotto para kundinahin ang aniya’y “fake news” sa social media, particular ng blog na “#SilentNoMorePH.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.