Aguirre itinangging inalok niya na ilagay sa WPP si Solano

By Rohanissa Abbas September 27, 2017 - 05:29 PM

Radyo Inquirer

Pinabulaanan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na inalok niya si Aegis Juris fraternity member John Paul Solano na sumailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Sa isang text message, sinabi ng kalihim na wala silang inalok sa naturang suspek sa pagkasawi ng University of Santo Tomas (UST) law freshman Horacio “Atio” Castillo III.

Ipinahayag ni Aguirre na bukas ang Department of Justice (DOJ) sa sinumang testigo na gustong sumailalim sa WPP.

Kinakailangang magsumite nito ng application form at mag-execute ng affidavit para suriin ito ng kagawaran.

Una na nang lumabas ang mga ulat na tinanggihan umano ng kampo ni Solano ang alok na isailalim siya sa WPP.

TAGS: aegis juris fraternity, aguirre doj, solano, WPP, aegis juris fraternity, aguirre doj, solano, WPP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.