Mga tauhan ng Philippine Navy na nakapatay sa 2 Vietnamese sinibak sa pwesto
Inalis na sa kani-kanilang mga pwesto ang commanding officer at mga crew ng barko ng Philippine Navy BRP Miguel Malvar.
Ito ay makaraan silang masangkot sa pamamaril na nagresulta sa kamatayan ng dalawang mangingisdang Vietnamese sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan.
Sinabi ni Philippine Navy Spokesman Lued Lincuna na pansamantala munang hindi binigyan ng assignment ang nasabing mga tauhan ng Philippine Navy habang dinididnig sa hukuman ang mga kasong isinampa sa kanila.
Bukod sa dalawang namatay, sugatan rin ang limang mangingisdang Vietnamese makaraan nilang banggain ang barko ng Philippine Navy na humahabol sa kanina.
Nauna nang sinabi ng mga tauhan ng Philippine Navy na sinita nila ang mga Vietnamese dahil sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng bansa.
Napilitan lang umanong mag-warning shots ang mga tauhan ng militar nang binangga sila ng mga mangingisdang Vietnamese.
Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Cayetano na magkakaroon ng patas na pagdinig sa nasabing kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.