Sundalo, pulis at kapitan ng barangay, sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

By Dona Dominguez-Cargullo, Len Montaño September 27, 2017 - 12:48 PM

Tatlo ang nasugatan sa naganap na dalawang magkasunod na pagsabog sa Maguindanao.

Ayon kay Captain Arvin Encinas, public affairs chief ng 6th infantry division, naganap ang pagsabog sa kalsadang papunta sa division training school ng militar sa Barangay Upper Semba, Awang, Datu Odin Sinsuat alas 7:20 ng umaga ng Miyerkules, Sept. 27.

Nang rumesponde sa lugar si PO2 Bobby G. Pendililang para kordunan ang lugar muling nagkaroon ng pagsabog dahilan para masugatan ang pulis.

Sugatan din sa insidente sina Barangay Chairman Datu Pendatu P. Sinsuat, kapitan sa Barangay Semba at isang Staff Sergeant Cane ng Philippine Army na nakatalaga sa Division Training School.

Dinala sa Camp Siongco Hospital si Pendililang bunsod ng natamo nitong tama ng shrapnel sa katawan.

Habang sina Sinsuat at Cane ay kapwa nagtamo lamang ng minor injuries.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Datu Odin Sinsuat, maguindanao, Datu Odin Sinsuat, maguindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.