MRT, dalawang beses nang nakaranas ng aberya

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio September 27, 2017 - 08:29 AM

Dalawang magkasunod na aberya ang naitala sa Metro Rail Transit (MRT).

Alas 6:27 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa Kamuning Station southbound.

Itinaas sa category 3 ang status ng biyahe ng MRT dahil sa isang tren nito na nagkaroon ng technical problem.

Samantala, alas 8:01 naman ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa Ortigas Station northbound.

Ito ay makaraang makaranas muli ng technical problem ang isa pang tren at itinaas ang category 3 status.

Ang dalawang nagkaproblemang tren ay dinala sa depot para makumpuni.

Ang dalawang magkasunod na aberya ay nagdulot ng perwisyo sa mga pasahero sa kasagsagan ng rush hour.

 

 

 

 

TAGS: dotr, MRT, railway, technical problem, transportation, dotr, MRT, railway, technical problem, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.