Nagpalit ang Philippine National Police ng mga pinuno sa siyam na matatas na puwesto.
Ayon kay PNP PIO chief, Police Chief Supt. Wilben Mayor, tapos na ang serbisyo ng ilan sa mga nakaupo matapos magretiro na ang ilan sa matatagal na opisyal, samantalang nabigyan naman ng bagong assignment ang ilan sa kanila.
Aniya, may mga nabigyan ng promotion habang ang iba naman ay nalagay sa floating status.
Katulad na lamang ni Police Chief Supt. Isagani Nerez na mula sa Cordillera ay itinalaga sa DIPO-Eastern Mindanao.
Si C/Supt. Jose Gentiles ay uupo na bilang Deputy Director ng Directorate for Intelligence, habang si C/Supt. Noel Vargas ng Maritime Group ay napunta sa DIPO-Western Mindanao.
Samantalang si C/Supt. Efren Perez ng DPCR ang pumalit sa pwesto ni Vargas sa PNP maritime group.
Napunta naman si C/Supt. Jerome Baxinela sa engineering service, habang si S/Supt. Robert Po naman sa communications electronic service.
Si S/Supt. Antonio Gardiola Jr. ay napunta sa PNP-AIDSOTF.
Mauupo naman si S/Supt. Wilson Caubat, bilang executive officer ng DIPO Northern Luzon, habang napunta naman sa DRDO Calabarzon si S/Supt Romula Sapitula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.