SALN redaction sa ehekutibo, binanatan ng mga senador

By Kabie Aenlle September 27, 2017 - 03:06 AM

 

Binatikos ng mga senador ang redaction sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga miyembro ng Gabinete noong December 2016.

Giit ni Sen. Grace Poe, oras na manilbihan sa gobyerno ang isang tao, binibitiwan na nito ang kaniyang right to privacy.

Hindi aniya makatwiran na gamitin ang Data Privacy Act para itago ang ilang bahagi ng SALN, tulad na lamang ng acquisition costs of properties.

Mali aniya ito dahil kaya nga nagkaroon ng Freedom of Information sa ehekutibong sangay ng gobyerno ay para mailahad nang tapat ang kanilang mga SALN.

Noong Lunes lang ay naghain ng resolusyon si Sen. Antonio Trillanes IV para imbestigahan ng Senado ang mga nasabing redactions sa SALN.

Ani Trillanes, dapat alamin kung may nilabag na batas ang Ehekutibo tungkol dito, dahil mismong ang kautusan tungkol sa FOI ay hindi na nila nasunod.

Maging si Sen. Sonny Angara ay hindi sang-ayon dito, habang si Sen. Franklin Drilon naman ay naniniwalang dapat i-revisit ang SALN law para maging malinaw kung tama ba ang gawing dahilan ang privacy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.