Isang kumander ng BIFF, arestado sa North Cotabato

By Mark Makalalad September 27, 2017 - 02:10 AM

 

INQUIRER FILE PHOTO

Arestado ang isa sa kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) matapos ang isinagawang combat operation ng militar sa Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay Capt. Jo-ann Petinglay ang tagpagsalita ng AFP Western Mindanao Command alas 8:15 ng umaga ng September 25 nang maaresto si Muslimin Ladtungan alyas Mus.

Si Mus ay kasalukuyang 4th Division commander ng BIFF sa ilalim ng pamumuno ni Mando Mamalumpong alyas Commander DM.

Dahil sa pagkakaaresto, sinabi ni Major General Arnel Dela Vega, commander of the Joint Task Force Central na mas pinaigting ng militar ang kanilang operasyon kontra sa Daesh-inspired groups sa Mindanao.

Narekober naman sa naarestong bandido ang isang M14 rifle, isang M16 rifle, isang rocket-propelled grenade, dalawang Caliber .45 pistols; at mga components ng Improvised Explosive Device.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.