Duterte, iginiit na hindi China ang dapat sisihin sa problema ng droga sa bansa
Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat ang gobyerno ng China ang dapat sisihin sa problema ng droga ng Pilipinas sa kanyang naginmg talumpati sa 120th anniversaty ng Department of Justice (DOJ).
Iginiit ng Pangilo na ang dapat sisihin sa patuloy na drug trade sa bansa ay ang Bamboo Triad.
Ayon kay Duterte, ang Pilipinas ay kliyente ng Bamboo Triad.
Kaugnay nito, una ng inulat ng South China Morning Post noong 2015 ang tungkol sa isang United Bamboo triad gang na nakabase sa Taiwan na ayon sa kanila ay may kaugnayan sa 14k Triad ng Hong Kong.
Nanawagan naman si Duterte sa Estados Unidos na makipagugnayan sa bansa para magkasamang labanan ang problema sa ilegal na droga dahil napakaseryosong usapin nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.