33, sugatan nang bumangga ang isang barko sa isla sa Romblon
Sugatan ang 33 katao matapos sumadsad ang isang barko na pag-aari ng Motenegro Shipping Lines Inc., pasado alas 5:00 ng umaga ng Martes, Sept. 26.
Sumadsad sa isla sa bahagi ng Calatrava, Romblon ang M/V Maria Matilde na patungo sana sa Romblon Port galing Odiongan Port para ihatid ang ilang pasahero na sakay nito galing Batangas.
Ayon kay Marvin Ramos, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Cajidiocan at isa sa mga pasahero ng barko, nagising siya dahil inakala niya na may malakas na pagsabog.
Ang tunog pala na kaniyang nadinig ay ang pagkakabangga ng barko sa Tablas Island.
Sa lakas ng impact ng pagkakabangga, nayupi ang unahang bahagi ng barko, natumba ang ilang air con ay may mga pasaherong nasugatan dahil bumagsak sa higaan.
Sa 33 na nasugatan, tatlo ang nagtamo ng matinding sugat.
Nakadaong naman na ang barko sa Romblon port pasado alas 7:00 ng umaga.
Ang pumalyang GPS ang itinuturong dahilan ng chiefmate ng barko kaya ito bumangga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.