Paghahanap sa debris ng umano’y bumagsak na aircraft sa Romblon inihinto na
Inihinto na ng mga otoridad ang paghahanap sa debris ng umano’y bumagsak na aircraft sa karagatang bahagi ng Romblon.
Ayon kay Sr. Supt. Leo Quevedo, Romblon provincial director, walang nakitang senyales ang search and rescue team na may aircraft na bumagsak sa pagitan ng Brgy. Agbayi at Brgy. Binongaan, San Agustin.
Lumalabas din aniya na walang bakas ng eroplanong bumagsak o anumang uri ng sasakyang pang himpapawid sa naturang lugar.
Dagdag ni Quevedo, kung sakaling totoo nga ang impormasyon, may kamag-anak na sana ang nagtungo sa pulisya para ireport ang pangyayari pero wala silang natanggap ni isa.
Samantala, maging ang CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines at Philippine Airforce ay hindi rin kinukumpirma ang impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.