Isa patay, 2 sugatan sa magkasunod na pamamaril sa Sampaloc, Maynila

By Jong Manlapaz September 26, 2017 - 04:13 AM

 

Isa ang patay, dalawa ang sugatan sa magkasunod na insidente ng pamamaril sa Sampaloc Maynila.

Unang naitala ang pamamaril kaninang Palawan St. cor Luzon sa isang lalake.

Maswerte naman ang biktima matapos na hindi mapuruhan kaya nadala pa ang biktima sa Ospital ng Sampaloc at inilipat sa Ospital ng Maynila.

Limang minuto lang ang nakalipas sa hindi kalayuan, isang pamamaril din ang nangyari sa panulukan ng Mindoro st. at G. Tuazon st,, pero ngunit sa pagkakataong ito, ay nasawi ang biktimang mekaniko.

Isa naman ang nasugatan matapos na tamaan ng stray bullet.

Hinala ng mga imbestigador, iisa lang ang may kagagawan ng dalawang insidente ng pamamaril.

Ito’y dahil base sa saksi, parehong riding in tandem ang mga suspek at parehong cal .45 ang ginamit na baril base sa basyong nakuha sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.