Klase sinuspinde sa ilang Barangay sa Batangas dahil sa bakbakan ng AFP at NPA

By Mark Makalalad September 25, 2017 - 03:53 PM

Inquirer photo

Nagdeklara na ng suspensyon sa klase ang pitong mga Barangay sa Batangas City simula ngayong araw hanggang bukas September 26.

Ito’y dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Philippine Army at mga miyembro ng New People’s Army sa probinsya.

Ayon kay Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chief Lito Castro, walang pasok ang mga paaralan sa mga Barangay ng Sto. Domingo, Cumba, Talumpok Silangan, Talumpok Kanluran, Talahib Pandayan, Conde Itaas at Talahib Payapa.

Samantala, wala naman daw naitalang pagbabago sa takbo ng mga negosyo sa Batangas City proper.

Patuloy pa ring tumatanggap ng impormasyon ang Batangas PDRRMO kaugnay sa ulat na may mga inilikas na ring residente sa Batangas City mula nang pumutok ang bakbakan kahapon pa  ng umaga.

TAGS: AFP, batangas city, NPA, PDRRMC, AFP, batangas city, NPA, PDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.