Mga reklamo ni Faeldon sa ilang senador hindi muna tatalakayin sa Senado

By Ruel Perez September 25, 2017 - 03:45 PM

Photo: Ruel Perez

Naka hold in abeyance sa ngayon ang ethics complaint na isinampa ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon hangga’t hindi nito nirerespeto ang proseso ng Senado.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Ethics Committee na pinangungunahan ni Sen. Tito Sotto, iginiit ni Sen. Franklin Drilon na hindi naman marapat na dinggin ang reklamo ni Faeldon laban sa isang kasamahan sa Senado kung hindi naman ito handang igalang ang proseso ng mga mambabatas.

Ang mungkahi ni Drilon ay bunsod na rin ng pagtanggi at pagmamatigas ni Faeldon na dumalo at magsalita sa isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa umiiral na “tara system” sa Customs at ang nakapuslit na P6.4 Billion na halaga ng shabu.

Nauna ng sinabi ni Faeldon na sa korte na lamang siya magsasalita kaugnay sa pagkakasangkot umano sa korapsyon sa BOC base na rin sa naging privilege speech ni Sen Panfilo Lacson.

Sa kabila nito, kumbinsido naman umano si Sotto na maaring ibasura ang ethics complaint ni Faeldon laban kay Sen. Ping Lacson kung ibabase sa mga naunang desisyon ng Supreme Court kung saan ay kinatiganb ng Mataas na Hukuman ang parliamentary immunity ng noon ay si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang naging privilege speech kahit na mabigat ang mga nasabi nito.

Samantala, binigyan naman ng kopya ni Sotto ang mga kasapi ng Senate Ethics Committee ng isa pang ethics complaint na isinampa ni Faeldon laban naman kay Sen. Antonio Trillanes kaninang umaga.

Itoy upang mapag-aralan muna ng mga Senador ang nabanggit na reklamo na nag-ugat sa pagdadawit rin ni Trillanes kay Faeldon sa kurapsyon sa BOC.

TAGS: Drilon, Faeldon, lacson, senate ethics committee, Sotto, trillanes, Drilon, Faeldon, lacson, senate ethics committee, Sotto, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.