WATCH: John Paul Solano, isinailalim na sa inquest proceedings sa DOJ

By Ricky Brozas September 25, 2017 - 11:54 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Ipinagharap na ng patung-patong na reklamo sa Department of Justice (DOJ) si John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay ng freshman UST law student na si Horacio Castillo III.

Dinala ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa DOJ si Solano para humarap sa inquest kung saan siya sinampahan ng reklamong murder, perjury, obstruction of justice, robbery at paglabag sa Anti-Hazing Law.

Si Assistant State Prosecutor Susan Villanueva ang nagasagawa ng inquest proceedings na dinaluhan din ng mga opisyal ng MPD at ng magulang ng biktima na sina Horacio Jr. at Carmina.

Pinanumpaan din ng mag-asawang Castillo ang kanilang joint complaint affidavit.

Bago ang inquest, sinabi ni Solano sa kaniyang pahayag sa media, na ilalahad niya ang kaniyang mga nalalaman sa magaganap na pagdinig sa senado Lunes ng gabi para malinis ang kaniyang pangalan.

Muli rin nitong iginiit na wala siya sa lugar habang nagaganap ang initiation.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aegis jvris, DOJ, hazing, Horacio Castillo III, John Paul Solano, metro news, Radyo Inquirer, UST, aegis jvris, DOJ, hazing, Horacio Castillo III, John Paul Solano, metro news, Radyo Inquirer, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.