Mga lumang PCOS machine ipapagamit sa absentee voters at PWDs
Gagamit ng mga lumang Precinct Count Optical Scan o PCOS machine ang Comelec sa Eleksyon 2016.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, nagpasya ang Comelec En Banc na gumamit ng ilang libong makina para sa Local at Overseas Absentee Voting, pati na sa pagboto ng mga persons with disabilities o PWD.
Nangako na umano ang Dept of Science and Technology na tutulong sa Comelec sa paghahanap ng pyesa ng mga lumang PCOS gaya ng film, baterya at roller.
Dahil dito, lalabas na magiging in-house ang pagkukumpuni sa mga lumang PCOS.
Posible umano na sa loob ng tatlong linggo ay umabot sa limang libo ang mga makina na kayang ayusin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.