Pamilya ni Atio Castillo, binabantayan na ng PNP

By Kabie Aenlle September 25, 2017 - 03:13 AM

Binigyan ng Philippine National Police (PNP) ang pamilya ni Horacio “Atio” Castillo III ng seguridad dahil sa naranasan nilang pananakot.

Ayon kay Sen. Migs Zubiri, noong nakaraang araw ay may biglang sumulpot sa burol ni Atio at hinarap ang mga magulang nito.

Aniya, parang siga umano ang pakikipag-usap nito sa ama ni Atio at tinatanon kung ano ang plano ng pamilya, pero iginiit nilang hindi nila ito kilala.

Dagdag pa ni Zubiri, kukuha na lang sana ng private security service ang pamilya Castillo ngunit naisipan nilang humingi na lang ng tulong kay PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa.

Dahil dito, agad na nagpadala si Dela Rosa ng mga pulis na naka-bihis sibilyan upang matiyak ang kaligtasan ng pamilya ni Atio.

Giit ng senador, hindi maiiwasang magkaroon ng banta sa seguridad ang pamilya lalo na’t medyo ma-impluwensiya ang kanilang kalaban, kaya dapat pa ring mag-ingat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.