Mga magulang ni Atio Castillo, hindi nakausap ang primary suspect na si John Paul Solano

By krizha Soberano September 24, 2017 - 05:17 PM

Kuha ni Krizha Soberano

Nagtungo ang mga magulang ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III sa Manila Police District (MPD).

Magkasama ang magasawang Jun at Carmina Castillo na dumating sa MPD at dumiretso sa Homicide Section bandang alas diyes ng umaga.

Pero nabigo ang mag-asawa na makausap ang primary suspect sa pagkamatay ng kanilang anak na si John Paul Solano.

Ito’y dahil wala umano ang mga abogado ni Solano kaya’t hindi ito nagpaunlak ng pakikipag-usap kasama ang mag-asawang Castillo.

Hiling umano ng kampo ni Solano na present o nandoon ang mga abogado nito sa sandaling kausapin siya ng mga magulang ni Atio.

Dahil dito, bukas na makakapagharap ang mga magulang ni Atio at si Solano sa gagawing pagdinig ng Senado.

Ayon kay MPD Director Senior Supt. Joel Coronel, nakapag-sumite na ang mag-asawang Castillo ng judicial affidavit at sworn statements na gagawing principal evidence laban kay Solano at sa iba pang mga suspek.

Samantala, hinihintay nila ngayong araw hanggang bukas ang mga magulang ni Ralph Trangia, isa sa mga suspek sa hazing, na lumutang sa MPD upang malaman ang pagkakasangkot ng mga ito lalo na ang nanay ni Trangia na tumulong umanong makalabas ng bansa ang kanyang anak.

Aniya, tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon ng MPD sa kaso ni Atio at patuloy pa rin ang kanilang hot pursuit operation para sa kanilang mga tinitignang suspek.

Dagdag pa umano ang ginagawa nilang follow-up para sa iba pang person of interest gaya ng naiulat sa kanila na pagkakasangkot ng ilang alumni ng frat at miyembro ng counterpart na sorority ng Aegis Juris.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.