High-powered firearms, nakumpiska ng militar sa Sultan Kudarat

By Mariel Cruz September 24, 2017 - 04:21 PM

Nakumpiska ng puwersa ng pamahalaan ang mga matataas na kalibre ng baril kasabay ng pag-aresto sa isang kilalang lider ng bandidong grupo sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Nagsagawa ng raid ang magkasanib puwersa ng Charlie Company ng 33rd Infantry Battalion sa pangunguna ni Capt. Rogelio Agustin Jr. at Special Reaction Platoon na pinangunahan naman ni 1st Lt. Glenn Neil Ambojnon sa bayan ng Sitio Sapale, Bgy Kabulanan, Bagumbayan bandang alas sais ng umaga.

Sinamahan ng dalawang grupo ang mga pulis at SAF troopers mula sa bayan ng Senator Ninoy Aquino at Bagumbayan sa pagsisilbi ng warrant laban sa isang Dodong Baylon.

Ayon kay Capt. Agustin, pangunahing target sa operasyon si Baylon na inaakusahang pumatay sa isang Lumad ilang taon na ang nakalilipas.

Sinabi aniya sa kanila ng isang informant na kinakanlong si Baylon ng isang Commander Morix Ending na kilalang lider ng bandidong grupo.

Aabot sa labindalawang matataas na kalibre ng baril ang nakumpiska ng militar sa hideout ni Commander Morix sa Brgy. Bagumbayan.

Kabilang sa mga nakumpiskang armas ay isang rocket-propelled grenade, isang M16A1 Assault Rifle, dalawang M14 Assault Rifle, isang Cal 30-06 M1903 Springfield, isang ea 12 gauge Shotgun, tatlong M79 Grenade Launcher, at isang Cal .38 revolver.

Ayon naman kay Police Senior Insp. Ace Christian Sularte, hepe ng SNA police station, nakatakas si Baylon nang arestuhin ng mga otoridad pero nakatatanggap na sila ng mga impormasyon ukol sa kinaroroonan nito.

Habang si Commander Morix naman ay nakadetine at isasailalim sa inquest proceedings kung saan posibleng masampahan siya ng kasong illegal possession of firearms at pagkanlong sa isang kriminal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.