Pagbabawal sa pagsuot ng high heels sa trabaho, epektibo na ngayong araw

By Angellic Jordan September 24, 2017 - 03:14 PM

FILE PHOTO

Epektibo na ang pagbabawal sa pagsusuot ng high heels sa trabaho ngayong araw.

Pinaalalahanan ng Bureau of Working Condition ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers sa itinakdang Deparment Order 178-17.

Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi dapat sapilitang pinagsusuot ng high heels ang mga empleyado, lalo na ang mga sales lady at lady guards, para maiwasan ang pagod at stress sa trabaho.

Base sa DO, mandato ng mga employers na bigyan ng breaks at upuan ang mga empleyadong kinakailangang magsuot ng high heels.

Inabisuhan rin ang mga employers na hayaang makapagsuot ng komportableng sapatos ang mga empleyado para makaiwas sa anumang komplikasyon sa kalusugan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.