Administrasyong Duterte, bukas pa rin sa usapang pangkapayapaan kasama ang MILF at MNLF

By Justinne Punsalang September 24, 2017 - 04:46 AM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na committed pa rin ang pamahalaan na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.

Ayon sa pangulo, habang walang pirmadong peace agreement sa pagitan ng tatlong panig ay magpapatuloy pa rin ang mga injustice na nararanasan ng mga Moro.

Matatandaang noong September 14 ay nakipagpulong ang pangulo sa mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission, habang noong September 16 naman kay MNLF chairman Nur Misuari.

Samantala, hinimok naman ng pangulo ang mga miyembro ng New People’s Army na sumuko na. Dagdag pa nito, maaari niyang bigyan ang mga miyembro ng NPA ng amnestiya kung papayagan siya ng Kongreso.

Nangako naman ang pangulo na bibigyan niya ng pabahay ang mga miyembro ng NPA na susuko nang mapayapa sa pamahalaan, habang gagawin namang sundalo ang mga ‘qualified’ na NPA.

TAGS: MILF, mnlf, peace talks, Rodrigo Duterte, MILF, mnlf, peace talks, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.