“Right to Privacy” ng Gabinete kaugnay ng SALN, idinepensa ng Malacañang
Dinepensahan ng Malacañan ang pagbabawas ng impormasyon na inilalabas patungkol sa mga statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) ng mga miyembro ng gabinete.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, isa itong hakbang upang protektahan ang privacy ng mga miyembro ng gabinete.
Nilinaw ni Abella na nananatili pa rin ang kanilang paninindigan para sa transparency at accountability ng mga nasa serbisyo publiko.
Dagdag ni Abella, ang mga hindi isasapublikong detalye sa mga SALN ay ang mga personal information kagaya ng pangalan ng miyembro ng kanilang pamilya at ang address ng kanilang mga tahanan.
Ang naturang pagpapaliwanag ni Abella ay kasunod na pagbubunyag ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na marami umano sa mga detalye ng mga SALN ng mga miyembro ng Gabinete ang tila nabawasan ng impormasyon.
Ayon pa kay Abella, kailangang mabalanse ang public insterest at ang karapatan ng mga pampublikong empleyado.
Binanggit rin ni Abella ang Data Privacy Act na siyang nagpoprotekta sa personal data ng mga empleyado sa mga information at communications systems.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.