8 miyembro ng isang big time drug syndicate group, arestado sa Maguindanao
Naaresto ng mga awtoridad ang walong miyembro ng isang big time drug group sa Maguindanao.
Kinilala ang drug group sa pangalang “Bua” drug syndicate na nagooperate sa anim na bayan sa lalawigan.
Nagsanib pwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM, Maguindanao Provincial Police at 37th Infantry Batallion ng Philippine Army sa pagsasagawa ng mga drug raids sa Sultan Kudarat upang mahuli ang mga suspek.
Kinilala ang mga suspek na sina Ibrahim Karim, Almusid Karim, Fatima Karim, Cortez Esmael, Nasser Usop Makalinggi at Jimmy Gomez na pawang nakuhaan ng mga shabu at mga hindi lisensyadong armas.
Nasa kustodiya na ng PDEA-ARMM ang mga suspek sa kasalukuyan.
Samantala ayon naman kay PDEA-ARMM director Juvenal Azurin, tatlo pang senior member ng “Bua” group ang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Ang mga drug suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Philippine Dangerous drugs act at illegal possession of unlicensed firearms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.