Batangas at Occidental Mindoro, niyanig ng lindol

By Justinne Punsalang September 23, 2017 - 11:26 PM

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro sa ganap na 9:30 ng gabi ng September 23.

Ayon sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, 58km ang lalim ng naturang lindol na naitala sa 67km kanluran ng bayan ng Palauan sa Occidental Mindoro.

Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng lindol at wala namang naitalang nasaktan o danyos dahil dito.

Wala ring naitalang aftershocks ang naturang lindol.

Samantala, isang lindol rin ang naransan sa Batangas na may lakas na 4.9 magnitude sa kaparehong oras.

Ito ay may lalim na 156km na sinasabing nagmula sa 11km kanluran ng Calatagan, Batangas.

Tectonic rin ang origin ng naturang lindol na walang naitalang danyos at aftershocks.

 

TAGS: Batangas, Earthquakes, Occidental Mindoro, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Batangas, Earthquakes, Occidental Mindoro, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.