Bello: Pagpapatuloy ng peace talks sa NDFP go signal na lang ng pangulo ang kulang

By Den Macaranas September 23, 2017 - 04:37 PM

Radyo Inquirer

Aminado si Labor Secretary at government chief negotiator Sylvestre Bello III na wala pang direktang utos sa kanila ang pangulo na maghanda kaugnay sa resumption sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ay sa kabila nang mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng makakaliwang grupo.

Pero sinabi ng kalihim na tuloy naman ang pakikipag-konsulta ng kanyang grupo sa security cluster ng pamahalaan at sila ay nakahanda sakaling magbigbay na ng go signal ang pangulo para sa muling pagbuhay ng peace talks.

Ipinaliwanag pa ni Bello na temporary lamang ang paghinto ng usapan sa magkabilang panig at patunay dito ang hindi paglalabas ng pamahalaan ng notice of termination para ihinto na ang pag-uusap.

Magugunitang ipinatigil ng pangulo ang 5th round ng negosasyon makaraan ang sunud-sunod na pag-atake ng mga miyembro ng CPP-NPA sa mga tauhan ng pamahalaan.

Pero noong nakalipas na linggo ay muling nagbago ang paninindigan ng pangulo sa rebeldeng grupo makaraan nilang palayain ang isang dinukot na pulis sa Mindanao.

Sinabi ng pangulo na nasa kamay na ng mga pinuno ng NDFP kung gusto pa nilang muling ituloy ang peace talks at ang pamahalaan anya ay nakahanda para dito.

TAGS: Bello, CPP, ndfp, NPA, peace talks, Bello, CPP, ndfp, NPA, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.