Bulkan sa Indonesia nag-aalburoto; highest alert level sa Bali island, itinaas

By Rhommel Balasbas September 23, 2017 - 03:25 AM

Libu-libo na ang nagsilikas dahil sa takot na sumabog ang isang bulkan sa Bali, Indonesia.

Naitala ang sunud-sunod na tremors o mga pagyanig na maaaring indikasyon ng pagputok ng Mt. Agung.

Dahil dito, itinaas na ng Indonesian officials ang highest alert level at iniutos ang paglayo ng mga residente ng 9 na kilometro mula sa bunganga ng bulkan.

Gayunpaman, pinayuhan ni National Disaster Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho ang mga residente na huwag magpanic at huwag magpadala sa mga sabi-sabi.

Nasa humigit-kumulang 10,000 katao na ang lumilikas dahil sa sitwasyon.

Naglabas na rin ng travel advisory ang gobyerno ng Australis at pinayuhan ang mga mamamayan nito na mag-ingat at sumunod sa mga “measures” na ipatutupad ng awtoridad.

Mahigit 1,000 katao ang nasawi ng huling pumutok ang Mt. Agung taong 1963.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.