Forced evacuation, ipinatupad sa Bacolod dahil sa matinding pagbabaha

By Kabie Aenlle September 23, 2017 - 01:21 AM

Sapilitan nang pinalikas ang mga residente sa ilang bahagi ng Bacolod City dahil sa matinding pagbabahang idinulot ng malakas na ulan, Biyernes ng gabi.

Ayon sa Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nagsimula ang pagbuhos ng malakas na ulan pasado alas-5:00 ng hapon na tumagal ng dalawang oras.

Sa mga oras na iyon ay itinaas rin ng PAGASA ang heavy rainfall alert sa mga lugar ng Guimaras, Antique, Aklan at Negros Occidental.

Ang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Bacolod City at iba pang lugar sa Visayas ay dulot ng low pressure area (LPA) na namataan ng PAGASA malapit sa Albay, na lumakas at naging habagat.

Sa ngayon ayon sa DRRMO ay humina naman na ang ulan ngunit may mga lugar sa Bacolod na umabot sa 15 talampakan ang taas ng baha.

Itinaas naman ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Panay Island, Guimaras at Negros Occidental na nangangahulugang makakaranas ng malakas na ulan ang mga naturang lugar sa loob ng dalawang oras mula nang ilabas ito ng ahensya, alas-12:00 ng hatinggabi ng Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.