LOOK: Ilang lansangan sa QC, Pasig at Caloocan, apektado ng road reblocking ngayong weekend
Apektado ng road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang maraming lansangan sa Quezon City, Pasig at Caloocan ngayong weekend.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang reblocking ng alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (Sept. 22) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes (Sept. 25).
Kabilang sa mga apektadong lansangan ang mga sumusunod:
SOUTHBOUND:
- Bonifacio Avenue sa pagitan ng Mauban St. hanggang Dome St., sa Quezon City (Outer lane)
- C-5 Road malapit sa Lanuza Avenue, Pasig City
- EDSA malapit sa kanto ng Bansalangin sa harap ng Shell sa Quezon City (2nd lane)
- Rodriguez Jr. Avenue lagpas ng Greenmeadows Ave., Quezon City (3rd lane mula center island)
- Rodriguez Jr. Avenue lagpas ng Boni Serrano Flyover, Quezon City (truck lane)
- Rodriguez Sr. Avenue kanto ng Monte de Piedad patungo ng Cubao, Quezon City (1st lane from sidewalk)
NORTHBOUND:
- Mindanao Avenue lagpas ng Road 20 sa harap ng Shakey’s, Quezon City (2nd lane)
- Bonifacio Monumento Circle, Caloocan City
- P. Garcia Avenue mula University Ave. hanggang E. Jacinto St., Quezon City (2nd lane)
- Luna Road mula East Avenue hanggang Kalayaan Ave., Quezon City
- Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas, Pasig City
- Quirino Highway malapit sa kanto ng La Mesa Dam Road, Quezon City (1st lane)
Ngayon pa lamang pinapayuhan na ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong lansangan para makaiwas sa abala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.