WATCH: 8 hinihinalang drug suspects, huli sa magkahiwalay na operasyon sa Novaliches

By Justinne Punsalang September 22, 2017 - 10:10 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Arestado ang walong katao na sinasabing mga sangkot sa iligal na droga sa isinagawang Oplan Disiplina ng Quezon City Police District Station 4 sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina David Rizo, tatlumpung taong gulang at residente ng Barangay M. Mayon, Novaliches; Rowel Ornido, 29-anyos, Mark Joseph Millete, 27-anyos, Arvin Serioso, 29-anyos, Steve Rodriguez, 29-anyos, at Alvin Peregrino, 18-anyos na pawang mga residente ng Barangay Sta. Monica sa Novaliches.

Nasabat mula sa mga ito ang anim na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Samantala, dalawa naman ang arestado sa ikinasang buy-bust operation ng QCPD Station 4 pa rin.

Kinilala ang mga suspek na sina Jose Ramil Dangcalan alyas Poklat, 45-anyos at Leonora Murelles, 43-anyos na kapwa residente ng Barangay Gulod sa Novaliches.

Narekober ng pulisya mula sa mga ito ang limang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy-bust money na nagkakahalaga ng limandaang piso.

Ayon sa mga otoridad, sasailalim ang mga nahuling suspek sa medical examination.

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti-illegal drugs, QCPD, Radyo Inquirer, anti-illegal drugs, QCPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.