Aegis Juris, handang makipagtulungan sa imbestigasyon sa kaso ni Castillo

By Kabie Aenlle September 22, 2017 - 04:00 AM

 

Tiniyak ng Aegis Juris fraternity na handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon sa kaso ng pagkakamatay ng freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sa inilabas na pahayag ng Aegis Juris, siniguro rin nilang patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga kaanak ng kanilang miyembro na posibleng sangkot sa nangyaring initiation rites na ikinasawi ni Castillo.

Masugid din aniya nilang kinukumbinse ang kanilang mga kasamahan sa fraternity na kusa nang lumutang upang maipakita ang kanilang kahandaan na makipatulungan sa imbestigasyon.

Bagaman nanahimik anila sila ng tatlong araw mula nang una silang maglabas ng pahayag noong September 18, hindi anila ito nangangahulugan na binabawi na nila ang kanilang pangako.

Tulad anila ng nakararami, nais rin nilang mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Atio, at na tulad ng mga magulang nito, ay nagagalit rin sila sa kinahinatnan ng estudyante.

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang fraternity sa mga mahal sa buhay na naiwan ni Castillo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.