Sa gitna ng kaliwa’t kanang kilos-protesta, binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi City sa ikalimang pagkakataon.
Sinamahan siya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces Chief of Staff Eduardo Año, at Special Assistant to the President Christopher Go mula sa Iligan City tungo sa Marawi City dakong alas-5:00 ng hapon.
Sa panayam sa media, sinabi ni Duterte na oras na matapos na ang gyera sa Marawi City, maaaring bawiin niya na ang martial law sa Mindanao. Gayunman aniya, dapat
tiyakin na malinis at ligtas na ang lungsod.
Pinasisiguro din ng pangulo na hindi magkakaroon ng spillover ang kaguluhan sa Marawi City.
Dagdag ni Duterte, walang magaganap na selebrasyon oras na makalaya na sa kamay ng Maute group ang lungsod. Aniya, magkakaroon lamang ng misa para rito, at tahimik na iiwan ng militae ang Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.