Throwback forum, isinagawa ngayong anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar
Kasabay ng ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, isang forum ang isinagawa sa Bantayog ng mga Bayani auditorium para sa mga kabataan noong rehimeng Marcos at kabataan sa kasalukuyang panahon.
Dumalo sa “Martial Law Noon at Ngayon: A millennial throwback” forum ang mga estudyante mula sa iba’t ibang mga eskwelahan at ilang mga tao na nakaranas ng pait at hirap noong martial law, sa kabila ng kanilang musmos na isipan.
Ayon kay Hilda Narciso, 72 years old at isang survivor ng martial law, napakaraming kwento na hindi kakayaning mailahad sa isang araw.
Siya ay isang rape victim, nakulong ng anim na buwan at nakaranas ng pangmamalupit.
Nakita rin niya ang kalupitang naranasan ng iba pang mga Pilipino sa kamay ng mga sundalo.
Hindi naman naiwasan ni Narciso na maihambing ang Marcos administration sa Duterte government.
Noong martial law, marami raw ang pinapapatay habang may mga imprastraktura na itinatayo, gaya rin aniya ngayon na maraming nasasawi sa war on drugs habang may mga ipinagmamalaking bago ang gobyerno.
Dagdag ni Narciso, noong batas militar, ngwala masyadong nagsasalita dahil sa takot, na katulad din daw ngayon na may mga takot pa ring magsalita dahil uupakan o pwede raw patayin.
Mensahe ni Narciso sa millennials, huwag sana nila maranasan ang naranasan ng mga kabataan noong panahon ng martial law.
WATCH: Martial law noon at ngayon forum, isinasagawa sa QC | @isaavendanoDZIQ pic.twitter.com/qaUJvo0Lyp
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 21, 2017
WATCH: Martial law noon at ngayon forum, isinasagawa sa QC | @isaavendanoDZIQ pic.twitter.com/5GJTzG80A7
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 21, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.