Seremonya para sa anibersaryo ng martial law declaration, pangungunahan ni Sereno

By Kabie Aenlle September 21, 2017 - 04:14 AM

 

Pangungunahan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang gagawing pag-alala sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Magiging tampok sa seremonya sa Commission on Human Rights (CHR) ang unveiling ng monumento ng yumaong si Jose Diokno, na isa sa mga lumaban para sa kapayapaan noong panahon ng diktadurya.

Si Sereno ang magiging guest of honor sa nasabing seremonya, at magbibigay rin siya ng keynote address tungkol sa naging papel ni Diokno sa demokrasya ng Pilipinas.

Kabilang sa mga opisyal na makakasama ni Sereno sa event na ito ay si CHR Chairman Chito Gascon.

Matatandaang si Sereno ay nahaharap ngayon sa impeachment complaint dahil umano sa paglabag niya sa Saligang Batas at sa betrayal of public trust kaugnay umano ng kaniyang hindi tapat na statement of assets, liabilities and networth.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.