Pondo ng CHR, ERC at NCIP ibinalik na ng Kongreso
Lumambot na ang Kamara sa pagbibigay ng 2018 budget para sa Commission on Human rights (CHR), Energy regulatory commission (ERC at National Commission on Indigenous People (NCIP) na binigyan ng P1,000 na budget sa susunod na taon.
Inamin ni House Appropriation Chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles na nagbago ang desisyon ng liderato ng Kamara makaraang makipag-usap kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga pinuno ng nasabing mga ahensyang pamahalaan.
Nabatid na humingi ng tulong sina CHR Chair Jose Luis “Chito” Gascon, ERC Commissioner Geronimo Sta. Ana at NCIP Chair. Leonor Oralde-Quintayo kina House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Nograles na nagsilbi namang mga tulay kay Alvarez.
Pumayag rin umano si Gascon na sakupinng kanilang tanggapan pati ang imbestigasyon sa mga pulis at sundalo na biktima ng paglabag ng kanilang karapatang pantao.
Sa panukalang budget ng CHR sa 2018 ay humihingi sila ng P678 Million, umaabot naman sa P390.5 Million sa ERC at P1.1 Billion para sa NCIP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.