LGBT protection bill lusot na sa final reading sa Kamara
Pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga karapatan ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community.
Umabot sa 197 mga miyembro ng Kongreso ang bumoto pabor sa House Bill 4982 o mas kilala bilang Sexual Orientationand Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) bill.
Nakapaloob sa nasabing panukala ang pagbabawal sa anumang uri ng paninira o discriminatory acts sa mga kabilang sa LGBT community.
May parusang multa ng hanggang sa P500,000 at pagkakakulong ang sinumang lalabag sa nasabing panukala kapag ito ay isa nang ganap na batas.
Sakop ng SOGIE bill ang pagbabawal sa anumang uri ng gender profiling tulad ng pagbabawal sa mga kabilang sa LGBT community sa anumang uri ng mga lisensiya na ibinigay sa mga propesyunal o nang estado.
Hindi na ring pwedeng maging hadlang ang kanilang gender orientation para hindi matanggap sa ilang mga trabaho maging sa iba’t ibang mga tanggapan maging ito may ay sa pribado at pinamamahalaan ng ating gobyerno.
Hindi rin dapat na maging hadlang ang kasarian ng isang tao sa pagtanggap ng mga tulong mula sa pamahalaan at ilang pang mga kahalintulad na benepisyo.
Babaguhin na rin ang tawag sa mga “Womens’ Desk” sa mga himpilan ng pulisya at ito’y tatawagin na bilang “Women, Children and LGBT Protection Desk”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.