Paolo Duterte ipapapatay ng pangulo kapag napatunayang sabit sa smuggling

By Den Macaranas September 20, 2017 - 05:03 PM

Radyo Inquirer

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na patayin ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kung mapapatunayan na sangkot ito sa smuggling.

Sa kanyang talumpati sa Gawad Career Executive Service (CES) at 2017 Outstanding Government Workers awards sa Malacañang, sinabi ng pangulo na galit siya sa mga tauhan ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian.

Kahit si Vice Mayor Duterte ay hindi umano exempted sa kanyang kampanya kontra sa kurapsyon kung mapapatunayan na sangkot nga ito lalo na sa drug smuggling.

May kaugnayan pa rin ito sa naipuslit na mahigit sa 600 kilo ng shabu sa bodega ng Bureau of Customs kung saan ay sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na sangkot doon ang nakababatang Duterte.

Kahit umano kaanak o kaibigan niya kapag nasangkot sa katiwalian ay walang puwang sa gobyerno.

Sa kanyang pagsasalita ay itinaas rin ng pangulo sa P3 Million ang pabuya sa sinumang magkakapagturo sa mga tinaguriang “ninja cops” na nauna na niyang ipinahahanap sa liderato ng PNP.

TAGS: BOC, drugs, duterte, Malacañang, paolo duterte, smuggling, trillanes, BOC, drugs, duterte, Malacañang, paolo duterte, smuggling, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.