Memorandum circular para sa class at government work suspension bukas, Sept. 21, inilabas na ng Malakanyang
Inilabas na ng Malakanyang ang memorandum circular para sa idineklarang National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukas, September 21, ay inaasahang magkakaroon ng mass actions kaugnay ng martial law anniversary, at pagkondena sa war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.
Batay sa Office of the Executive Secretary, sakop lamang ng memorandum circular ang executive branch ng gobyerno, kabilang na ang local government units, at mga pampublikong paaralan (all levels), kasama ang state-and-LGU universities and colleges, at technical and vocational schools.
Paglilinaw ng Palasyo, ang ibang sangay ng pamahalaan na walang hurisdiksyon ang ehekutibo ay hindi kasama o sakop ng memorandum circular.
Ang mga empleyado ng gobyerno na maaatasang pumasok sa trabaho sa September 21 ay pagkakalooban ng kompensasyon, base sa rules and regulations ng Civil Service Commission on CSC.
Ipinauubaya naman ng Malakanyang sa pribadong sektor kung magsususpinde ng pasok, at depende rin sa mga pinuno ng mga pribadong eskwelahan kung mag-aanunsyo ng class suspension
Batay sa proclamation 319, ang September 21 ay idineklarang National Day of Protest, bunsod ng inaasahang malakihang rally sa mismong araw ng anibersaryo ng martial law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.