Nationwide ban sa pag-inom ng alak sa mga kalye, iniutos ni Pangulong Duterte
Iniutos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga lokal na pamahalaan at sa mga police officials ang pag-aresto sa mga sinumang mahuhuling umiinom ng alak sa mga kalye.
Ito ay bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan na matamo ang peace and order sa buong bansa.
Sa kanyang talumpati sa 6th Mandatory Continuing Legal Education-Accredited National Convention of Public Attorneys sa Manila Hotel, sinabi ng pangulo na ang mga manginginom ay kadalasang nagiging mayabang kaya’t nagreresulta ito sa mga awayan na nagdudulot ng inconvenience at takot sa mga mamamayan.
Ayaw niya rin anya ang loitering o ang pagtambay kaya’t iniutos sa pulisya ang pag-aresto sa mga lalabag.
Ani Duterte, mayroon namang Public Attorney’s Office na tutulong upang makalabas agad ang mga maaarestong lalabag sa kanyang order.
Ang pagba-ban sa pag-inom sa kalye ang isa sa mga ipinatupad ni Duterte noong mayor pa siya ng Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.