Duterte sa mga magpo-protesta bukas: Kahit isang buwan pa kayo d’yan sa EDSA

By Kabie Aenlle September 20, 2017 - 03:30 AM

Hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magpo-protesta sa September 21, na manatili sa EDSA kahit sa loob pa ng isang buwan.

Hamon ito ng pangulo sa mga magpo-protesta bukas para pababain siya sa pwesto, kasabay na rin ng pag-gunita sa deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayons a pangulo, ire-reroute na lang niya ang traffic at hihingi ng paumanhin sa publiko dahil may mga taong nais okupahin ang EDSA.

“I will just reroute traffic and ask the people: ‘I’m sorry, but there are guys there that want to occupy [Edsa]’,” ani Duterte.

Papayagan pa aniya niya ang mga ito na gumamit ng mga sasakyan ng pamahalaan, pero ang kondisyon lang niya sa mga magpo-protesta na isagawa ito nang mapayapa.

Kaya rin aniya niya itong tiisin sa loob ng isang taon, para malaman kung ano talaga ang nais ng mga Pilipino.

Umaasa pa ang pangulo na sana ay umabot ang dami ng mga magpo-protesta sa dami ng nagtipun-tipon noong EDSA revolution.

Ayon pa kay Duterte, maari naman siyang magbitiw sa pwesto at hindi siya magmamatigas dito kung nais na talaga siyang paalisin ng mga tao.

Wala naman aniya siyang ilusyon sa pagiging presidente, at hindi siya magpapakabaliw para dito.

Sakali man aniyang magsumite na siya ng resignation sa Kongreso, kailangang isailalim ito sa concurrence ng militar, na siyang magtitiyak na masusunod ang rules of succession.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.