Duterte sa umano’y bank account ni Trillanes: Binawasan ko ng number

By Kabie Aenlle September 20, 2017 - 12:37 AM

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na “inimbento” niya lang ang number ng sinasabi niyang bank account ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Singapore na milyun-milyon umano ang nilalaman.

Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na binawasan niya ng numero ang actual account number ni Communications Asec. Mocha Uson at ng broadcaster na si Erwin Tulfo.

Ang unang ibinunyag na account number kasi ng pangulo noong September 15 ay 178000296012, pero ang actual account number aniya ay 1178000281602.

Dagdag ng pangulo, wala talaga ang ibinigay niyang numero noon dahil ito ay produkto lamang ng kaniyang isipan.

Sadyang tinanggalan niya aniya ng numero ang account number na ginamit ni Trillanes, kaya iba rin ito sa totoo.

Dagdag pa ng pangulo, desperado na talaga si Trillanes dahil pumunta pa ito sa Singapore at gumastos para lang sa propaganda.

Tumungo si Trillanes sa DBS Bank Alexandra Road branch sa Singapore, araw ng Martes, kung saan iprinisinta niya ang kaniyang Senate ID, passport at printout ng dokumentong kumakalat sa social media na may lamang detalye ng umano’y kaniyang DBS account.

Mismong bank teller naman ng DBS ang nagsabi na walang ganoong account sa kanilang bangko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.