Nur Misuari nagpiyansa sa kasong graft sa Sandiganbayan
Naghain ng bail sa Sandiganbayan si Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari kaugnay sa kinakaharap niyang mga kaso ng graft, malversation at falsification of public documents.
Kaagad namang nilagdaan ni Executive Judge Emmanuel Carpio ang kanyang release order makaraang magbayad ng piyansa ang pinuno ng MNLF.
Itinakda ng anti-graft court sa halagang P200,000 hanggang P400,000 sa bawat kaso ng malversation through falsification charges samantalang P30,000 naman sa bawat kaso ng graft.
Si Misuari na dati ring naglingkod bilang pinuno ng Autonomous Region in Muslim Mindanao kasama ang dalawa sa kanyang mga dating tauhan at inakusahan ng pagbulsa ng pondo sa pagbili ng ilang mga educational materials noong taong 2000.
Noong Agosto 31, 2017 ay naglabas ng arrest warrant ang hukuman.
Sa panayam, sinabi ni Misuari na inimbento lamang ang mga kasong isinampa laban sa kanya at kaya umano niyang patunayan na mali ang mga akusasyon na sangkot siya sa pagnanakaw sa pondo ng ARMM.
Makaraang makapaglagak ng piyansa, sinabi ng pinuno ng MNLF na nakahana siyang mag-ikot sa ilang lugar sa Mindanao para isulong ang pederalismo na kayang ipinangako kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.