NBI, pasok na sa imbestigasyon ng kaso ng pagkamatay ng UST law student

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2017 - 10:23 AM

Horacio Castillo
Kuha ni Cyrille Cupino

Inatasan ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na imbestahan at magsagawa ng case build-up sa kaso ng pagkamatay ng UST law student na si Horacio Castillo III.

Sa kaniyang department order, inatasan din ni Justice Sec Vitaliano Aguirre II si NBI Director Dante Gierran na magsumite sa DOJ ng report kaugnay sa gagawing imbestigasyon at case build-up.

Pinasasampahan din ng kaso ng DOJ sa NBI ang sinumang mapapatunayang may kinalaman sa pagkasawi ni Castillo nang dahil sa hazing.

“The National Bureau of Investigation” through Director Dante A. Gierran, is hereby Directed and granted authority to conduct investigation and case build-up over the death of UST law student Horacio Castillo III, who died in suspected frat hazing, and if evidence so warrants, to file appropriate charges thereon,” nakasaad sa kautusan.

Ang gagawing imbestigasyon ng ahensya ay hiwalay sa isinasagawa nang imbestigasyon ng Manila Police District ng siyang may hawak sa kaso ng pagkamatay ng law student.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: hazing victim, Horacio Castillo III, NBI, UST law, hazing victim, Horacio Castillo III, NBI, UST law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.