LOOK: Ilang barangay sa QC at Rizal, maaapektuhan ng water interruption

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2017 - 07:42 AM

Mawawalan ng suplay ng tubig ang mga barangay sa Antipolo at Taytay, Rizal at sa Quezon City.

Sa abiso ng Manila Water, mula alas 10:00 ng gabi ng Martes (Sept. 19) hanggang alas 6:00 ng umaga bukas (Sept. 20), mawawalan ng suplay ng tubig ang sumusunod na mga Barangay sa Antipolo, Rizal:San Isidro

  • Bagong Nayon
  • Inarawan
  • San Luis
  • Cruz
  • Mambugan
  • Dela Paz

Simula rin alas 10:00 ng gabi mamaya (Sept. 19) hanggang alas 4:00 ng umaga bukas (Sept. 20) naman ang water interruption sa sumusunod na barangay sa Taytay, Rizal:

  • Ana
  • Dolores

Habang sa Quezon City, alas 10:00 ng gabi (Sept. 19) hanggang alas 5:00 ng umaga (Sept. 20) ang water interruption sa mga sumusunod na Barangay:

  • Laging Handa
  • Paligsahan
  • Roxas District
  • Obrero
  • Kamuning

Ayon sa Manila Water, may isasagawa silang service improvement activities gaya ng leak repair at line maintenance sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, Ang Maynilad naman ay mayroong ding water interruption mula alas 11:00 ng gabi (Sept. 19) hanggang alas 4:00 ng umaga bukas (Sept. 20) at apektado ang Barangay Kaligayahan sa Quezon City.

Ang maintenance activity naman sa Camarine Avenue kanto ng Diamond Drive ang dahilan ng service interruption ng Maynilad.

 

 

 

TAGS: manila water, maynilad, quezon city, Radyo Inquirer, Rizal, service interruption, water interruption, manila water, maynilad, quezon city, Radyo Inquirer, Rizal, service interruption, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.