Evacuation, ipinag-utos sa Puerto Rico dahil sa ‘hurricane Maria’
Pinalilikas na ng pamahalaan ng Puerto Rico at British Virgin Islands ang mga residente dahil sa banta ng ‘Hurricane Maria’.
Inaasahang tatama ang category 4 hurricane sa US territory ng Puerto Rico at Virgin Islands sa Miyerkules ng umaga.
Ayon sa gobernador ng Puerto Rico, inaasahan na magdadala ng matinding pagbuhos ng ulan ang naturang bagyo na magreresulta sa mga pagbaha sa mga mabababang lugar.
Malaki rin ang posibilidad ng storm surge kaya’t maging ang mga residnete sa baybaying lugar ay pinapayuhan nang lumikas pansamantala sa ligtas na lugar.
Dalawang linggo na ang nakalilipas, maswerteng hindi direktang tinamaan ng hurricane Irma ang Puerto Rico.
Sa halip, naminsala ang hurricane Irma sa Caribbean islands at nag-iwan ng nasa 40 patay.
Huling tinamaan ng category 4 hurricane ang Puerto Rico noon pang 1928.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.