Kung gusto ng UN, pwede silang maglagay ng kinatawan sa bawat presinto-Duterte
Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinatawan ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights na maglagay ng kanilang opisina dito sa bansa.
Ito ay upang personal umanong makita ng mga ito ang sitwasyon sa peace and order sa Pilipinas at mabantayan ang mga umano’y human rights cases sa bansa.
Sa kanyang pagbisita sa burol ng pulis na napatay sa police operations kamakailan sa Caloocan, sinabi ni Duterte na kanyang idadaan ang imbitasyon sa pamamagitan ng official channel sa mga kinatawan ng human rights commission.
At kung nais aniya ng mga ito, ay maaring magsama ito ng kanilang kinatawan sa mga police operations.
Kung nanaisin pa aniya ng UN body, ay maaring maglagay ito ng mga representative sa bawat presinto upang matiyak na hindi lalabag sa karapatang-pantao ang mga pulis.
Matatandaang makailang ulit nang nabatikos ni Duterte ang United Nations dahil sa pagpuna nito sa gabi-gabing patayan na nagaganap sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.