AFP, tiniyak na isasalba ang mga natitira pang hostage na naipit sa bakbakan sa Marawi

By Mark Makalalad September 19, 2017 - 04:15 AM

 

Sisikapin ng Armed Forces of the Philippines na maligtas ang mga natitirang hostage na hawak ng Maute terror group.

Ayon kay AFP Chief of Staff Eduardo Año, mas paiigtingin pa nila ang kanilang operasyon upang makapaligtas ng mas maraming buhay.

Kasunod na rin ito nang pagkakasagip kay Father Chito Suganob at isa pang guro sa Dansalan noong September 16 malapit sa Bato Mosque.

Paliwanag ni Año, paliit na nang paliit ang controlled area na hawak ng terorista na sa ngayon anya ay nasa 10 hektarya na lamang.

Bukod dito, 2 main groups na lamang daw ang natitira sa main area ng bakbakan- ang grupo ni na pinangungunahan ni Isnilon Hapilon at ni Omar Maute.

Sa ngayon, mayroon pang tinatayang 45 bihag ang hawak ng Maute.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.