Diocese of Cubao, magbibigay ng scholarships sa mga anak ng mga nasawi sa drug war
Upang masiguro ang kinabukasan ng mga kabataang naulila dahil sa giyera kontra droga, magbibigay ang Diocese of Cubao ng scholarships para sa mga ito.
Sa isang pastoral exhortation, sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na mangangalap siya ng pondo para maipagpatuloy ng mga naulila ang kanilang pag-aaral.
Anya, ito ang regalo ng diyosesis upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataan na biktima ng karahasan.
Ieenrol ang mga naulila sa mga parochial schools ng diocese at hinihikayat niya ang mga mananampalataya na magbigay ng donasyon para suportahan ang programa.
Nauna nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa publiko na makiisa sa mga programa ng Simbahan sa pagpapaaaral sa mga naulila at pagsuporta sa pamilya ng mga ito.
Isa ang Diocese of Cubao sa mga nagbalik sa “De Profundis” o pagpapatunog ng mga kampana ng simbahan tuwing alas-8 ng gabi upang ipagdasal ang mga namayapa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.