Mga pulis na nanloob sa bahay sa Caloocan, balak kasuhan

By Kabie Aenlle September 18, 2017 - 04:05 AM

 

Nagbabalak na ang may-ari ng bahay na nilooban ng mga pulis Caloocan na magsampa ng kaso laban sa mga ito.

Batay sa CCTV footage sa tahanan na sinalakay ng mga pulis dahil sa umano’y pagiging drug supplier ng may-ari nito, hindi bababa sa apat na unipormadong pulis ang pumasok sa bahay na may kasama pang dalawang sibilyan.

Isa sa mga sibilyan ang lalaki na iika-ika maglakad, habang ang isa naman ay batang lalaki na nag-bulsa sa mga bagay mula sa bahay tulad ng relo at cellphone.

Mariin namang itinanggi ng may-ari ng bahay na siya ay supplier ng iligal na droga, tulad ng akusasyon ng pulisya.

Isa kasi sa mga naaresto ng Caloocan police kamakailan ang nagturo sa may-ari ng bahay bilang supplier ng droga.

Napag-alaman na lang ng may-ari ang nangyari matapos nilang silipin ang CCTV footage.

Bukod sa sila ay nanakawan ng wallet, cellphone, at dalawang relo, dinistrongka ng mga pulis ang kanilang pinto gamit ang bolt cutter at isinagawa pa ang umano’y raid nang walang dalang search warrant.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.