Bangkay nina Mayor Reynaldo Parojinog at 5 iba pa, hinukay
Hinukay ang mga labi ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at limang iba pa para muling isailalim sa autopsy.
Isasagawa ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang ikalawang autopsy sa mga labi nina Parojinog, kaniyang misis, dalawa nitong kapatid at dalawang iba pa.
Gagamitin ang magiging resulta nito bilang ebidensya ng pamilya Parojinog laban sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon na ikinasawi ng alkalde at 15 iba pa noong July 30.
Dito tutukuyin kung paano talaga nasawi ang mga biktima, lalo’t iginigiit ng pamilya Parojinog na taliwas sa mga sinasabi ng pulisya, wala naman talagang nangyaring engkwentro sa operasyon.
Ito’y sa kabila pa ng pag-positibo ng alkalde at ng pitong iba pa sa paraffin o gun powder test ayon sa Philippine National Police (PNP).
Nananatili namang nakapiit sa Camp Crame ang magkapatid na sina Vice Mayor Nova Princess Parojinog at si Reynaldo Parojinog Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.