Pondong kinaltas sa CHR, maaring ipambili ng body cams para sa mga pulis – Duterte

By Kabie Aenlle September 18, 2017 - 03:47 AM

 

Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilaan na lang sa pagbili ng mga body cameras ng mga pulis ang pondong kinaltas sa Commission on Human Rights (CHR).

Matatandaang binigyan lang ng Kamara ng P1,000 na budget ang CHR para sa buong taon ng 2018.

Ayon sa pangulo, kung hindi rin lang naman ibabalik ang pondo ng CHR, mas maigi nang i-invest na lang ang pera para ipambili ng mga kagamitan para sa pulisya.

Ani Duterte, sa halagang nasa P600 milyon, malalagyan na ng body cameras ang lahat ng mga pulis sa buong araw.

Maari pa aniyang makabili ng mga state-of-the-art cameras na maliliit lamang at parang bahagi lang ng damit ng mga pulis.

Maikakabit aniya ang mga camera sa katawan ng mga pulis saan man sila magpunta para sa kanilang mga operasyon lalo na’t ang Pilipinas ay isa nang narco-state.

Sa ganitong paraan aniya, masasagot na ang mga alegasyon sa mga pulis na nang-aabuso umano sa kanilang kapangyarihan.

Gayunman, nagpaalala ang pangulo na sa pagpapatupad nito, dapat ay tiyaking hindi naman malalabag ang privacy ng mga pwersa ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.